BUTUAN CITY – Umabot na sa tatlong mga minerong natabunan sa loob ng hinukay nilang tunnel ang nai-ahon sa nagpapatuloy na search and retrieval operations matapos ang naganap na mudslides noong Lunes ng alas-2:00 ng hapon sa may Purok Casting, Brgy. Bayan, sa Marihatag, Surigao del Sur.
Kinilala ni FSSupt. Fred Trajeras Jr., regional director ng Bureau of Fire Protection o BFP-Caraga ang mga narekober na sina Jonathan Ocson, 37-anyos, Jerome Lucaberte at Eduardo Ubas.
Maalalang temporaryong inihinto ng mga rescuers ang kanilang operasyon dahil sa mga pag-ulan ngunit itinuloy rin hanggang sa na-abot ng mga divers ang dalawa sa mga ito sa lalim 30-talampakan habang 38-atalampakan naman ang isabg iba pa.
Sa eksklusibong panayam sa Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Supt. Trajeras na magpapatuloy pa ang mga rescuers sa kanilang operasyon hanggang sa tuluyan nang marekober ang tatlong iba pa.
Kung maalala, tanging nakaligtas lamang sa nasabing pangyayayari ay ang isang 56-anyos na si Nonito de los Reyes matapos maka-akyat sa bukana ng tunnel bago pa ang mudslide.