DAVAO CITY – Pinalagan ng legal counsel ni Eric Jun Casilao ang pagparada at ang pagkonsidera kay Casilao na terorista.
Sa eksklusibong panayam sa Bombo Radyo, inihayag ni Atty. Jobert Ilarde Pahilga, na nalagay sa peligro ang seguridad ng pamilya ng kanilang kliyente dahil sa ginawa ng kapulisan.
Sa ngayon aniya, kailangang harapin ni Eric Casilao ang kaso na isinampa laban sa kanya, pero naniniwala silang trumped-up lamang ang nasabing mga kaso.
Iginiit ni Atty. Pahilga na ordinaryong sibilyan si Eric Jun Casilao at hindi ito terorista, balikwas sa inilabas na impormasyon sa AFP.
Samantala, pinasalamatan naman nito ang naunang pahayag ng AFP, patungkol sa seguridad at safety sa kanilang kliyente. kasabay ng panawagan sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang kanilang kliyente sa due process of law bago husgahan.
Maalalang nasakip si Eric Jun Casilao, ang itinuturing notorious Communist Terrorist Group na mas kilalang si alyas Elian, Wally, Chan, at Kuya sa Jeti Point International Clearance Gate, sa Langkawi, Malaysia noong Abril 1. Nakalabas umano ng bansa si Casilao gamit ang genuine passport na may ibang pangalan. Sa ngayon ay nasa kamay ito ng CIDG XI habang hinihintay pa ang sunod na order ng korte.