BUTUAN CITY – Inaantay na lamang ng pulisya sa Nasipit, Agusan del Norte, na maging stable ang kondisyon ng dating vice mayor sa nasabing bayan na nahuli dahil sa kinakaharap na kasong may kaugnayan sa pag-operate nito noon ng Forex investment scam.
Ang suspek na si Ronald “Posoy” Timogan, residente ng Barangay 3 sa Nasipit, ay nananatili sa ospital matapos tumaas ang presyon ng dugo nang i-serve sa kanya ang arrest warrant dahil sa kasong isinampa ng mga nabiktima nito noong ino-operate nito ang nabanggit na investment scam.
Ang suspek ay siya ring coordinator ng Kabus Padatoon o KAPA Community International Ministry Incorporated sa Lungsod ng Butuan at lalawigan ng Agusan del Norte.
Una nang inihayag ni P/Maj. Edgar Allan Serquiña, hepe ng Nasipit Municipal Police Station, na walang piyansang inirekomenda sa kanyang kinakaharap na kasong syndicated large-scale estafa