-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hahayaan umano ng Philippine Army na managot ang ilan sa kanilang mga sundalo na naaresto dahil nalabag ang kasalukuyang ipinapatupad na checkpoint ng Commission on Elections sa pamamagitan ng pulisya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kasunod ito nang pagkahuli ng pitong organic members ng Philippine Army at isang kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit Active Auxiliary sa magkaibang checkpoints kasunod ng election period na ipinapatupad ng Comelec kaugnay sa May 12 elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na sila nagkulang pagbigay abiso sa kanilang mga sundalo patungkol sa kautusan ng batas ukol sa pinaghandaan na 2025 midterm elections.

Magugunitang sa inilabas na data ng Philippine National Police, nasa higit libo na personalidad na ang naaresto kung saan halos 10 sa mga ito ay aktibong mga sundalo.