CENTRAL MINDANAO-Tinanggi ng pamilya ni Ali Akbar na ito ay myembro ng Dawlah Islamiyah Hassan Group na sangkot sa pangingikil, panununog at pambobomba ng bus sa probinsya ng Cotabato.
Mismo ang asawa ni Akbar ang nagsabi na matagal ng nabulag ang kanyang mister nang ma-aksidente sa motorsiklo.
Isa itong Imam at hirap maglakad kaya nasa bahay lamang at mosque sa Brgy East Patadon Kidapawan City.
Una nang sinabi ng militar na nabulag si Akbar nang masabugan ito sa kanyang ginawang Improvised Explosive Device (IED).
Matatandaan na inaresto ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya si Akbar sa kanyang tahanan.
Sangkot umano ito sa pangingikil, panununog at pambobomba sa Yellow Bus at may warrant of arrest mula sa korte.
Nilinaw ng asawa ni Akbar ang mga nakuhang IEDs at sangkap sa paggawa ng bomba ay planted umano.