-- Advertisements --
Dumepensa ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagpapatupad nila ng taas presyo sa mga parking fee.
Ayon sa NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) na ang parking fee sa mga kotse ay magiging P50 kada oras mula sa dating P40.
Habang ang overnight parking ay naging P1,200 mula sa dating P300.
Layon ng nasabing pagtaas ng parking ay para mabigyang prioridad ang mga pasahero ng paliparan.
Mula kasi noon ay inaabuso ng karamihan ang murang parking fee kaya nahihirapan ang mga pasahero ng paliparan na makahanap ng paradahan ng kanilang mga sasakyan.
Umaasa sila na sa nasabing bagong panuntunan ay maiiwasan na ang walang humpay na pagpaparada ng mga sasakyan.