-- Advertisements --

Bumalik na sa normal pre-pandemic period ang dami ng mga bumabyahe sa Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA), ayon sa tala ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Nakapag tala ng 279,953 total flights ang naturang airport noong nakaraang taon. Kabilang dito ang 171,605 domestic at 108,348 international flights. Ito ay 26% na mas mataas, kumpara 221,595 flights noong 2022.

Nahigitan na rin ng 2023 record ng 3% ang sumatutal na 271,535 flights noong 2019, pre-pandemic.

Tumaas din ng 12% ang 2023 domestic travels kumpara noong 2019.

“We’re pleased to say that we’re on target for delivering a better NAIA experience moving forward,” ayon sa pamunuan ng NAIA.