-- Advertisements --

Handang handa na ang Ninoy Aquino International Airport sa pagdagsa ng mga pasahero na inaasahan ngayong holiday season.

Bubuhos kasi ang mga uuwing mga pasahero upang magdiwang ng kapaskuhan kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Ayon sa pamunuan ng paliparan, magdaragdag ito ng mga tauhan upang mamahala at gumabay sa mga lalabas at papasok ng bansa.

Gayundin na, iaalerto ang mga ito na maging handa sa anumang insidenteng na maaaring mangyari.

Matatandaan na inanunsyo ng BI na inaasahang aabot sa 1.5milyong katao ang darating sa bansa ngayong Disyembre 2023 o ngayon lamang na kapaskuhan.

Una na rito, pinapayuhan ang publiko na asahan na ang mahabang pila sa mga paliparan kung kaya’t dapat na pumunta ng maaga upang makaiwas sa pagkadelay dahil sa mga dadaanang inspeksyon at mga proseso bago makaalis o makapasok ng bansa.