-- Advertisements --

Isinara ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airports dahil na rin sa epekto ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco na walang anumang paparating at papaalis na mga flights sa nasabing paliparan ng hanggang 8 a.m. ng Lunes.

Ang nasabing pagsara ng paliparan ay kasunod ng pagtaas ng Phivolcs ng alert level 4 sa Taal volcano.

Magiging delikado kasi ang ashfall kapag ito ay pumasok sa mga eroplano.

Inirekomenda na rin nila ang pagtigil ng operasyon ng Clark International Airport dahil sa umaabot ang abo ng bulkan sa lugar.

Pinayuhan din ni Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga pasahero na huwag ng tumuloy sa paliparan at sa halip ay makipag-ugnayan sa mga airline companies para sa pagsasaayos ng kanilang flight.

Kasunod nito ay kinansela ng mga airline companies ang maraming mga domestic at international flights.