Naniniwala ang pamunuan ng Department of Transportation na magdadala ng malaking kita sa gobyerno ang nakatakdang modernisasyon sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa ahensya, posibleng pumalo sa ₱900 billion pesos ang kikitaan ng pamahalaa matapos maselyuhan ang concession agreement para sa naturang paliparan.
Kung maaalala, iginawad sa isang kilalang kompanya ang ang kontrata para tuluyan nang mamodernized ang pangunahing paliparan ng bansa.
Sinabi pa ng DOTr, na ang 25 years contract na ito sa nagwaging concessionaire ay magdadala ng ₱36 billion na kita kada taon.
Ito naman ay inaasahang magagamit sa iba pang social at infrastructure projects para rito.
Kung maaalala, isinapukbo ng DOTr noong isang linggo ang nagwaging Consortium sa kontrata na nakapailalim sa Public-Private Partnership program.
Ang pagtatayang ito ay mas malaki naman sa ₱23.3 na nairemit ng kasalukuyang concessionaire na Manila International Airport Authority.
Ang numerong ito ay mula pa taong 2010 hanggang 2023.
Katumbas ito ng aabot sa ₱1.78-bilyong piso kada taon.