-- Advertisements --
Ngayon pa lamang ay naghahanda na ang Ninoy Aquino International Airport (Naia) sa pagdami ng pasahero.
Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines, na inaasahan nila ang hanggang 30 percent na pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa kanilang paliparan.
Sa loob aniya ng dalawang buwan ay nakapagtala na sila ng nasa apat na milyong pasahero.
Inaasahan din nila ang pagdami ng mga pasahero sa panahon ng Kuwaresma.
Marami na ring mga airline companies ang nagbabalak na magdagdag ng operations sa NAIA na siyang tsana para magkaroon ng mas maraming ruta sa ibang bansa.