Simula alas-10:00 ng umaga ngayong araw, November 1 hanggang bukas ng parehong oras, November 2 ay wala munang flight ng mga eroplano na lilipad mula at papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), bunsod ito ng banta ng bagyong Rolly na inaasahang tatama sa Metro Manila mamayang hapon.
Nagpaalala ang paliparan sa mga pasahero na isasara sa publiko ang lahat ng NAIA terminals, kaya wala raw sanang magtutungo sa paliparan.
Pagdating ng November 2, bibigyang prayorid daw muna ng NAIA ang mga naka-schedule na flight. Ang mga naapektuhan naman ng pansamantalang pagsasaa ay bibigyan ng slots ng kanilang biyahe.
Bukod sa tigil operasyon ng paliparan, nag-kansela na rin ng flights ang ilang airline company tulad ng Philippine Airlines para sa international flights ngayong araw, November 1:
PR102 Manila – Los Angeles
PR103 Los Angeles – Manila
PR110 Manila – Guam
PR300 Manila – Hong Kong
PR301 Hong Kong – Manila
PR411 Osaka Kansai – Manila
PR421 Tokyo Haneda – Manila
PR425 Fukuoka – Manila
PR427 Tokyo Narita – Manila
PR502 Singapore – Manila
PR5655 Riyadh – Manila
*Domestic flights canceled for Sunday, November 1:
PR1859 Manila – Cebu
PR1860 Cebu – Manila
PR2041 Manila – Caticlan (Boracay)
PR2042 Caticlan (Boracay) – Manila
PR2132 Bacolod – Manila
PR2522 Cagayan de Oro – Manila
PR2784 Pagadian – Manila
PR2935 Butuan – Manila
PR2985 Manila- Tacloban
PR2986 Tacloban – Manila
PR2970 Kalibo- Manila
PR2997 Manila – Zamboanga
PR2998 Zamboanga – Manila
May mga international flights para bukas, November 2 na kanselado rin:
PR111 Guam – Manila
PR422 Manila – Tokyo Haneda
PR421 Tokyo Haneda – Manila
PR438 Manila – Nagoya
PR437 Nagoya – Manila
PR507 Manila – Singapore
PR508 Singapore – Manila
PR525 Manila – Kuala Lumpur
PR526 Kuala Lumpur – Manila
Ang mga kanseladong flight naman bukas, November 2:
PR453 Manila – General Santos
PR454 General Santos – Manila
PR1813 Manila – Davao
PR1814 Davao – Manila
PR1845 Manila – Cebu
PR1846 Cebu – Manila
PR2141 Manila – Iloilo
PR2521 Manila – Cagayan de Oro
PR2557 Manila – Dipolog
PR2558 Dipolog – Manila
PR2934 Manila – Butuan
PR2985 Manila – Cagayan de Oro
Ang Cebu Pacific naman, isang international flight lang ngayong araw (5J 272 Manila – Hongkong) ang kanseladong flight palabas ng bansa. Pero karamihan sa domestic flight nito ang hindi muna paliliparin.
DG6242 Boracay – Manila
5J787 Manila – Butuan
5J788 Butuan – Manila
5J391 Manila – Cagayan de Oro
5J392 Cagayan de Oro – Manila
DG6024 Manila – Cauayan
DG6025 Cauayan – Manila
5J562 Cebu – Manila
5J704 Dipolog – Manila
5J772 Pagadian – Manila
5J653 Manila – Tacloban
5J654 Tacloban – Manila
Ang mga sumusunod naman ay ang mga flights na palalargahin ng airline company:
DG 6226 Boracay-Manila
DG 6228 Boracay-Manila
5J562D Cebu-Manila
5J704D Dipolog-Manila
5J772D Pagadian-Manila
Ayon sa Cebu Pacific maaaaring i-rebook ng customer ang ticket nito sa loob ng 90-araw.
Sinabi naman ng PAL na pwede rin ipa-rebook ng mga may fight sa kanila, sa loob ng 30-araw. Wala naman umano silang rebooking service fee na sisingilin.