-- Advertisements --

Pansamantalang magsasara ang tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa maraming mga airline companies ang nagsuspendi ng kanilang operasyon patungo at galing sa Manila.

Simula 12:01 ng madaling araw ng Marso 28, tanging ang NAIA Terminal 1 lamang ang operational habang ang Terminal 2, 3 at 4 ay sarado.

Sa Terminal 1 na rin mag-o-operate ang Gulf Air, Korean Airlines, Asiana Airlines, China Airlines, Hong Kong Air, Eva Air, Japan Air, lahat ng Nippon Airways, Cathay Pacific, Qatar Airways, Singapore Airlines at Royal Brunei.

Mula sa dating 768 flight movement kada araw ay naging 50 movements na lamang dahil sa patuloy na pagsuspendi ng operation ng mga air carriers.