Ngayong araw ay balik sa normal na operasyon na dito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ayon sa mga stranded na pasahero, bandang alas 5 kahapon ang huling power interruption na naranasan dito sa paliparan.
Kung maaalala nagkaroon ng power outage kahapon ng madaling araw kung saan nakansela ang ilang flights at nasundan pa ito ng dalawang beses.
Ayon kay Amy Ika, kahapon dapat ang kanyang flight at nareschedule ito ngayong araw dahil balik na sa normal na operasyon dito.
Samantala, kung ikukumpara naman raw ang tao ngayon araw at kahapon ay sobrang siksikan raw dito sa Ninoy Aquino International Airport.
Si Hanan Gonzales naman ay isa ring stranded na pasahero.
Aniya, nagkaroon rin daw ng miscommunication sa flights dahil buong akala niya raw ay cancelled na talaga kahapon ngunit nagkaroon pa ng flight bandang hapon.
Bagamat hindi pa malinaw ang dahilan ng power outage na ito, ayon kay Department of Transportation Secretary Jaime Bautista long overdue na sa electrical audit ang paliparan.
Kaya naman kinakailangan na itong macheck nang sa gayon ay maging smooth na ang biyahe dito.