Matapos na maiulat na pumalpak ang dalawang cooling towers ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, kagabi, Sabado na nagdulong ng inconvenience sa mga pasahero.
Ayon sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) naka-detect ng mataas na power load ang kanilang kuryente dahilan ng pag trip off nito.
Sa ngayon nagpapatuloy ang troubleshooting sa na bog down na cooling towers.
Ikinalungkot ng pamunuan ng MIAA ang nangyaring technical challenge dahil nagresulta ito sa mas mainit na temperatura sa loob ng terminal.
Sa ngayon naglagay na sila ng mga evaporative fans sa mga critical areas ng sa gayon maibsan ang init na nararanasan ng mga pasahero habang nagpapatuloy ang pagkukumpuni.
“MIAA’s engineering team is actively addressing the situation to restore full functionality of all cooling towers as swiftly as possible,” pahayag ng MIAA.
Sa ngayon humihingi muna ng paunawa ang MIAA sa mga pasahero at siniguro na ginagawa na nila ang lahat para maibalik ang pag-andar ng mga cooling towers na pumalya.