Tigil muna ang construction ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.
Ito ang sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) na General Manager Eric Jose Ines sa isang mensahe.
Bunsod nito, hindi rin muna matutuloy ang paglilipat ng ilang airlines sa NAIA 4, alinsunod sa unang naging anunsyo.
Ayon kay Ines, maraming dahilan na ikinukunsidera sa pagsuspinde sa renovation sa nasabing terminal.
Sinasabing nakitaan ng pagbaha sa ground floor ng NAIA 4, kaya mahalagang maikonsidera ito.
Hindi na rin muna matutuloy ang terminal reassignments para sa ibang airline company.
Pero dati nang lumutang ang isyung nais muna ng New NAIA Infra Corporation (NNIC) na unahin ang konstruksyon ng NAIA 5 kaya inihinto ang konstruksyon ng NAIA 4.
Gayunman, wala ito sa bagong pahayag ng mga opisyal ng paliparan.