-- Advertisements --

Papapalo na raw sa mahigit 17 million ang bilang ng official ballots na naimprenta na gagamitin sa May 9 elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Comelec spokesperson James Jimenez, sa ngayon ay nasa 17,502,631 na balota na ang naimprenta sa National Printing Office (NPO).

Ang pinakahuling figure ay para sa anim na rehiyon ng bansa maging ang mga gagamitin sa overseas at local absentee voting.

Kabuuang 1,868,798 na balota ang para sa Caraga Region; 2,298,930 sa Zamboanga Peninsula at 3,060,485 sa Northern Mindanao; 3,236,251 sa Davao region; 2,606,492 sa Soccsksargen at 2,588,193 para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

ballot face

Samantala, ang 86,280 manual ballots na inimprenta ay para naman sa 63 barangays sa North Cotabato na bahagi ng BARMM.

Para sa overseas voting (OV), papalo na sa 79,080 manual ballots ang naimprenta habang 1,618,122 naman para sa OV automated election system (AES).

NAsa 60,000 na balota na para sa Local Absentee Voting (LAV) ang naimprenta.

Kung maalala ang pag-imprenta ng balotang gagamitin sa halalan ay nagsimula na noong Enero 21.

Samantala, sa mahigit 65 million daw na registered voters, nasa 53,795,522 sa mga botante ang nasa edad 18 hanggang 57.

Ang nasa age bracket naman na 18 hanggan 41 anyos ay 37,015,901 habang ang mga nasa 58 hanggang 60-anyos ay nasa 11,925,708.

Masa marami naman umanong babaeng botante na aabot sa 33,644,237 kumpara sa mga male voters na mayroong 32,076,93.

Matatagpuan naman sa Calabarzon ang pinakamaraming botante na 9,192,205 na sinundan ng National Capital Region na mayroong 7,301,393.

Lumalabas namang ang pinakakaunti ang registered voters ay sa Cordillera Administrative Region (CAR) na mayroong 1,077,900.