Wala umanong problema sa Philippine Olymic Committee (POC) kung paiimbetsigahgan ng Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa mga napaulat na aberya.
Sinabi ngayon ni POC Abraham “Bambol” Tolentino, naiintindihan nila ang saloobin ng Pangulo at normal naman daw ito.
Una nang sinabi habang nasa Busan, South Korea, ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi maiiwasang mahagip ng imbestigasyon si Speaker at PHISGOC chairman Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Sec. Panelo, hindi natutuwa si Pangulong Duterte sa mga balitang nakakarating sa kanya kabilang na ang umano’y lumulutang na isyu ng umano’y katiwalian.
Inihayag ni Sec. Panelo na Office of the President (OP) ang magsasagawa ng pagsisiyasat at gagawin ito kahit pa umaarangkada na ang SEA Games.
Para naman kay Tolentino maging ang PHISGOC ay handa rin naman at bukas sa binabalak na imbestigasyon.
Sina Tolentino at PHISGOC operating officer Tats Tolentino ay humarap ngayon sa mga mamamahayag upang sagutin ang ilang mga napaulat na reklamo ng ilang mga atleta kaugnay sa hosting ng Pilipinas.
Para sa mga opisyal ang iba sa mga batikos ay wala umanong katotohanan.
Mas makabubuti aniya na suportahan na lamang ang mga Pinoy athletes at patapusin muna ang SEA Games kaysa kaliwa’t kanilang batikusan.