-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit P131-milyon ang halaga ng naipamahaging tulong para sa mga biktima ng nagdaang mga bagyo.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Irene Dumlao, ipinamigay ang tulong sa mga naapektuhang residente sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Cordillera, at Metro Manila.

Nangunguna rin ang ahensya sa camp management sa mga evacuation centers para tiyaking nasusunod ang mga minimum health protocols.

Kung maaalala, isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa state of calamity matapos ang pananalasa ng serye ng mga bagyo na nagpabaha sa ilang mga bahagi ng bansa.