GENERAL SANTOS CITY – Siksikan sa loob maging sa labas ng gym ang mga nais na maka avail ng educational cash aid ng DSWD.
Na-schedule kasi nitong araw dito sa Brgy. Bula nitong lungsod ang ikalawang Sabado ng pamimigay ng nasabing cash aid.
Simula pa alas 8:OO kagabe ang dagsa ng mga tawo upang makauna sa pila.
Ang ilan ay nagdala ng duyan upang makaidlip sandali habang nasa pila at naghihintay sa pagdating ng mga kawani ng DSWD.
Mayroong iba ang naglapag ng mga karton sa semento.
Sa pagtatanong ng Bombo Radyo, ang karamihan sa mga pumila ay mga walk-ins mula sa ibat-ibang barangay at hindi residente ng Brgy . Bula habang ang ilan naman ay yaong mga naabutan ng cut-off sa kanilang pagpila sa Brgy. Calumpang noong nakaraang Sabado.
Bitbit ng mga ito ang mga requirements tulad ng certification of enrollment at iba pa.
Samantala madiskarte naman talaga ang mga Pinoy dahil sinamantala nila ang pagbebenta ng mga pagkain para sa maagang pumila.
Ang pila ay mula sa main gate ng compound ng Barangay Hall ng Bula at paliko -paliko sa ilang mga kanto sa paligid ng gym.
Patuloy sa ngayon na humahaba ang pila bago pa ang alas 8:00 ng umaga na inaasahang magsisimula ang pamimigay ng nasabing cash aid.
Una ng sinabi ni DSWD 12 Regional Director Restituto Macuto sa makapanayam ng Bombo Radyo Gensan na ang mabibigyan ngayong araw ng cash aid ay ang mga nakatanggap ng confirmation mula sa kanila matapos na nag-apply sa kanilang ibinigay na link.