Inutusan ni President Donald Trump si Attorney General William Barr na magsagawa ng isang news conference upang klaruhin na wala itong ginawang iligal.
May koneksyon ito sa pakikipag-usap ni Trump sa Ukraine upang imbestigahan si Joe Biden.
Base sa naglabasang impormasyon, ginawa ni Trump ang naturang request kasabay nang pagsasapubliko ng US Congress sa transcipt ng phone call sa pagitan nito at ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Labis umano na nanghinayang ang American president dahil sa hindi pagpayag ni Barr. Tahimik naman ang kampo ng Justice Department tungkol dito.
Datapwa’t tumanggi si Barr, halos ibigay naman ng Justice Department ang lahat ng nais ni Trump magmula sa paglalabas ng transcript at pag-anunsyo nito na wala raw nakitang ebidensya ang kanilang criminal division na magdidiin sa mga reklamo laban sa pangulo.
Naglabas din ito ng legal memo kung saan nakasaad ang dahilan kung bakit hindi na kinakailangan pa ng community’s inspector general na iturn-over ang reklamo ng whistleblower sa Kongreso.