-- Advertisements --

Maituturing pa rin aniya na “solid growth” sa kabila ng mga hamong pandaigdig ang naitalang 5.6% na paglago sa ekonomiya ng Pilipinas nitong 2024.

Ito ang binigyang diin ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda.

Sinabi ni Salceda kailangan din aniya itong sabayan ng pinaigting na pag gastos ng gobyerno na sa ngayon ay mas mabagal ang paglago kumpara sa nominal GDP growth targets.

Kailangan din aniya na tutukan ngayon ang pagkain.

Sabi ng economist solon kailangan na may kakayanan munang bumili ng pagkain ang publiko bago sila magkaroon ng kumpiyansa na gumastos para sa ibang mga bagay na direktang nakaka apekto sa pagsipa ng ekonomiya.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit mahalaga ang papel ng Murang Pagkain Supercommittee, na mapababa ang presyo ng pagkain, partikular ang bigas, para magtuloy-tuloy ang magandang takbo ng ekonomiya ngayong 2025.