May kabuuang 314,785 na kaso ng dengue ang naitala sa bansa noong Oktubre ng taong ito, ayon sa Department of Health.
Gayunman, binanggit ng DOH na bumaba ang kaso ng dengue, kung saan nitong Setyembre 29 hanggang Oktubre 12 nagkaroon ng pagbaba ng eight percent.
Ayon pa sa ahensya, bumaba ang bilang ng mga namamatay ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Samantala, dahil sa tag-ulan at mataas na tiyansa ng panganganak ng mga lamok, tiniyak ng DOH sa publiko na nakahanda ang kanilang mga pasiliddad para rito.
Upang maiwasan ang mga kaso ng dengue, patuloy ang pakikipagugnayan ng ahensya sa mga local government units kung saan hinihimok nito ang publiko na magsuot ng mga damit na mas makapagtatakip sa kanilang balat o gumamit ng mga mosquito repellant.
Pinayuhan din ni Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na pumunta sa pinakamalapit na health facility para sa magpakonsulta kapag nakaranas ng sintomas ng dengue.