-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Umabot na sa 1,702 ang naitalang kaso ng dengue sa lungsod ng Heneral Santos mula Enero hanggang Hulyo 8 ngayong taon.

Ayon kay Dr. Lalaine Calonzo, ang hepe ng City Health Office sa lungsod, nasa 11 ang namamatay dahil sa sakit na ito, mas mataas kumpara sa pitong naitala noong 2022.

Bumaba ang kaso ng dengue sa morbidity week ng buwan ng Mayo ngayong taon ng 407% kumpara sa record noong nakaraang taon na 566%. Ngunit sa kabila nito, ayon kay Dr. Calonzo na mataas pa rin ang kaso ng dengue sa 407% sa lungsod.

Karamihan sa mga dumaranas ng dengue ay nasa age bracket na 0-56 years old kung saan karamihan din dito ay mga babae.

Upang maiwasan ang mga kaso ng dengue sa lungsod, ayon kay Dr. Calonzo mahalaga na sundin ang tinatawag na 5s o ang Search and Destroy; Sick Early Consultation; Self Protection; Say Yes to Fogging in hotspot areas and Sustain Hydration.

Hinihikayat din nito ang publiko na linisin ang kapaligiran upang hindi mangitlog ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.