-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Bahagyang bumaba ang naitatalang kaso ng Violence Against Women and their Children at Concubinage ng Women and Children Protection Desk (WCPD) sa Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Rhodelaison Labang, Hepe ng SCPO-WCPD, ang pagbaba ng nasabing kaso ay maaring bunga ito ng mahigpit na pagpatupad ng liquor ban sa mga nagdaang buwan.

Sinabi ni Major Labang na 27 kaso ang naitala nila noong nakaraang taon na higit na mababa ng 12 kaso kumpara noong 2019 na may 39 na kaso .

Naka-ambag aniya ng malaki sa pagbaba ng nasabing kaso ay ang ipinatupad na liquor ban at curfew hours sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Bumaba rin ang mga kaso ng Acts of lasciviousness at kasong concubinage o pakikiapid.

Ito ay dahil sa naging limitado rin ang paglabas ng mga residente.

Hinimok ni Major Labang ang publiko na alamin ang kanilang karapatan upang maproyeksyunan ang kanilang sarili.

Hinikayat din niya ang mga residente na maging disiplinado kapag niluwagan na ang mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.