-- Advertisements --
Umabot na sa mahigit 1,600 ang naitalang patay matapos yanigin nang malakas na lindol ang Myanmar nitong Biyernes.
Ang pagyanig ng lupa, umabot hanggang sa Thailand na nagpaguho sa isang ginagawang 30-storey building sa Bangkok.
Patuloy ang paghuhukay ng mga rescuer sa mga gumuhong gusali.
Tinatantya ng US Geological Survey na ang bilang ng mga nasawi ay maaaring umabot sa 10,000.
Samantala, dumating na ang unang suporta sa ibang bansa matapos humingi ng tulong ang ruling military government.
Isang Chinese team ang dumating sa bansa nitong Sabado ng umaga, ayon sa state media, habang ang India ay nagpadala ng rescue at medical team kasama ng agarang tulong.