Umakyat pa sa P1.45 billion ang inisyal na halaga ng pinsala sa mga pampublikong imprastruktura bunsod ng pananalasa ng bagyong Agaton base sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Iniulat ni Secretary Roger Mercado ang latest report mula sa DPWH Bureau of Maintenance, na tinatayang nasa P1.30 billion ang pinsala sa Region 4 kung saan nasa P1.27 billion dito ang halaga ng nasira sa mga kalsada at P30 million naman sa mga tulay.
Nakapagtala din ang ahenisya ng pinsala sa national roads na umaabot sa P6.06 million sa region 12 habang sa Region 13 naman nasa P118.4 million ang pinsala sa national roads at P27 million sa mga tulay.
Samantala, ayon sa DPWH nasa 47 mula sa 50 apektadong mga kalsada dahil sa bagyo ang muling binuksan at nadadaanan na sa Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas.
Sa Leyte at Southern leyte naman, patuloy ang isinasagawang clearing operations ng DPWH Quick Response Teams sa 3 pang saradong national road sections.
Target naman na mabuksan muli ang mga kaldsadang matinding naapektuhan ng landslides sa katapusan ng buwan ng Abril.