-- Advertisements --

Patuloy na nasa downward trend ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa subalit ipinapaalala pa rin ang patuloy na pagsunod sa minimum public health standard.

Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, mula noong Abril 12 hanggang 18, nasa kabuuang 1,571 bagong kaso ng covid19 ang naitala. Nangangahulugan aniya ito na ang average daily cases na naitala mula Abril 12 hanggang 18 ay nasa 224 lamang, 17 porysento itong mas mababa kumpara noong nakalipas na linggo.

Sa mga aktibong kaso, nasa 18,672 ang asymptomatic habang 1,251 ang severe at critical cases. Nasa 1.6 percent naman ang COVID-19 positivity rate sa bansa.

Iniulat din ni Vergeire na umaabot nasa mahigit 67 million Pilipino ang fully vaccinated kontra sa sakit sa datos nitong Lunes. Sa naturang bilang nasa 1.5 million ang fully vaccinated na mga bata habang nasa 9.1 million naman ang mga kabataan.

Mayroon namang 12.7 million Pilipino na ang nakatanggap ng booster shots subalit nasa mahigit 36 million pa ang kailangan ng maturukan ng booster dose.