KALIBO, Aklan – Sumuko sa Tangalan Police Station ang 56-anyos na dating convict mula sa bayan ng Tangalan, Aklan kasunod sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naka-avail ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ito ang kinumpirma ni Major Fidel Gentallan ng Tangalan PNP sa Bombo Radyo makaraang personal na dumulog sa kanilang himpilan ang hindi na pinangalanan convict sa kasong murder at nakulong sa loob ng 23 taon sa Bilibid ngunit nakalaya ito noon lamang Agosto 19, 2019.
“In good faith” aniya na nagpakilala sa pulisya ang nasabing convict upang ipa-account ang kanyang sarili dahil kailangan nito na magpakita sa Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng 15 araw.
Sa ngayon ayon kay Gentallan, nasa bayan pa nila ang nasabing convict at hinihintay pa ang mga karagdagang guidelines upang maibalik siya sa New Bilibid Prisons.