-- Advertisements --
ozone cycle
The ozone cycle (Wiki info)

Tinukoy ng mga researchers ang pinagmumulan umano ng misteryoso at delikadong chemical na nakakasira sa ozone layer sa kalawakan ay nagmula sa China.

Ang trichlorofluoromethane (CFC-11) ay pangunahing ginagamit sa home insulation pero ang global production ay na-phaseout na.

Ayon sa mga scientists lumabas sa kanilang pag-aaral na bumagal ang epekto ng chemicals sa nakalipas na anim na taon.

Pero sinabi pa sa bagong pag-aaral na ang pagtaas ng level ng naturang kemikal ay natunton ang gas production sa eastern provinces of China.

Ang CFC-11 ay isa sa kilalang chloroflurocarbon (CFC) chemicals na na-develope bilang refrigerants noong 1930s.

Nadiskubre naman ng mga scientist na kung magkaroon ng breakdown ng CFCs sa atmosphere ay magpapakawala ito ng chlorine atoms na siya namang sisira sa ozone layer na nagbibigay proteksiyon sa tao mula sa ultraviolet light.

Natunton ang butas sa ozone layer sa bahagi ng Antarctica noong kalagitnaan ng taong 1980s.

Sa ginawang pag-aaral ng mga imbestigador may nagsasabi na ang CFC-11 ay tinatayang ginagamit ng 70% ng domestic sale sa China bilang illegal gas.

Ang CFC-11 daw kasi ay mas maganda ang kalidad at mas mura kumpara sa ibang mga alternatibo.