-- Advertisements --
Pusoy
Vice Mayor Ronald ‘Pusoy’ Timogan

BUTUAN CITY – Tuluyan nang nakalaya mula sa mahigit isang buwang pagka-hospital arrest ang dating Forex investment scam operator nitong lungsod ng Butuan na si dating Nasipit, Agusan del Norte Vice Mayor Ronald ‘Pusoy’ Timogan.

Ito’y matapos ma-dismiss provisionally ang kasong syndicated estafa na kanyang kinakaharap sa sala ni Judge Emmanuel Escatron ng RTC Branch 2, 10th Judicial Region.

Base sa natanggap na court order ng Butuan City Jail, nakasaad na sa isinagawang pagdinig sa motion to dismiss na inihain ni Timogan sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Agustin Tarroza, pumanig sa akusado ang sagot sa mga clarificatory questions ng mga nag-aakusang sina Kenneth Serojihos at Masriel Kriza Ortua.

Paulit-ulit pa silang tinanong ng abogado kung handa ba silang i-dismiss provisionally ang kasong kanilang isinampa laban sa akusado na kanila namang pinaboran.

Positibo naman itong tinanggap ni Timogan ay nilagdaan na rin ni Judge Escatron ang kautusan na magiging permanente sa loob ng dalawang taon.

Base sa oral motion ni Atty. Tarroza, ini-utos naman ng korte sa Butuan City Jail warden ang pagpapalaya kay Timogan maliban na lamang kung may kinakaharap itong ibang kaso.