Tiniyak ng Department of Agriculture na patuloy ang kanilang mga ginagawang paghahanda sa nakaambang La Niña sa bansa.
Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.,layon ng inisyatibong ito na maiwasan ang magiging masamang epekto ng weather phenomenon sa sektor ng agrikultura.
Ipinag-utos na rin ng kalihim sa National Irrigation Administration na ihanda na ang mga water impounding at dams na kanilang sakop.
Sa ngayon, wala rin patid ang pagsasagawa ng mga bagong irrigation system at pagkakabit ng mga solar irrigation at iba pang proyekto.
Ito ay inaasahang magagamit ng mga magsasaka sa oras na kailanganin ng mga ito.
Sinimulan na rin ng DA ang procurement sa mga flood resistant varieties na siya namang ipamimigay ng DA sa mga magsasaka sa bansa.