BAGUIO CITY – Naghahanda na ang mga kandidata ng Miss Philippines Earth 2020 sa gaganaping kauna-unahang virtual pageant.
Dahil nga sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay nagdesisyon ang organisasyon na ituloy pa rin ang taunang pageant, ngunit ito ay mapapanood online alinsunod sa mga patakaran ng quarantine.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Roxie Baeyens ng Baguio City, isa sa mga kandidata ng pageant at isang early favorite, inamin nitong excited siyang maging bahagi ng kasaysayan.
Nakita rin umano nila ang pagpapahalaga sa kanila ng organisasyon dahil sa magandang ideyang ito na sana raw ay sundin rin ng iba pang mga upcoming pageants sa bansa.
“I was very happy because the organization’s topmost priority is the safety of us candidates. So they decided to push through with a virtual pageant because as they said, ang mga frontliner nga, tuloy pa rin sa trabaho, and that’s what they want for us also, tuloy pa rin sa trabaho as public servants and spokespersons. For the safety of everyone, it’s really the best to have a virtual pageant. It’s a good and innovative idea and I think if it’s successful, other pageants would consider it as well because it’s a very good idea,” ani Baeyens.
Samantala, inaasahang gaganapin ang pageant sa susunod na buwan matapos itong maurong muli.
Ipapasa naman ni reigning Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee ang kanyang korona matapos ang isang taon bilang title-holder.