-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang beteranang singer na si Madonna dahil sa pagpanaw ng kaniyang nakakabatang kapatid na lalaki na si Christopher Ciccone sa edad na 63.

Ayon sa singer na pumanaw ang kapatid nito sa bahay niya sa Michigan dahil sa cancer.

Ito na ang pangalawang pagpanaw matapos ang ilang ilang linggo dahil noong nakaraang buwan ay namayapa ang kaniyang stepmother na si Joan Ciccone.

Ang kapatid nito ng singer ay nagsisilbing backup dancer niya noong ito ay nagsisimula pa.

Matapos ang pagiging show designer at backstage dresser para kay Madonna ay naging art director na ito sa “Blonde Ambition” world tour ng singer.