-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang singer/ songwriter na si Rico Blanco dahil sa pagpanaw ng nakakabatang kapatid nitong si Rey sa edad na 50.

Kinumpirma ng anak ni Rey na si Daniela ganun din ang Rivermaya drummer na si Mark Escueta.

Sa social media account nito ay ibinahagi ng anak nito ang ilang art card kung saan nakalagay ang detalye ng burol.

Magiging pribado ang burol para sa lamang sa mga pamilya at limitado lamang sa mga pamilya at kaibigan.

Habang nagbahagi ng mensahe si Escueta na pagpapaalam sa kapatid.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay humingi ng pagdarasal si Rico para sa kaniyang kapatid na na-diagnosed ng “advanced and very aggressive type of squamous cell carcinoma,” o skin cancer.