-- Advertisements --

Inamin ni Lakers superstar LeBron James na madidismaya raw ito nang husto sakaling hindi mabigyan ng tsansa ang Los Angeles na makatuntong sa playoffs ngayong taon.

Maaalalang sinuspinde muna ng NBA ang mga laro ngayong season bunsod ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay James, bagama’t positibo pa rin ito tungkol sa magiging kapalaran ng Lakers, hindi naman daw nito isinasantabi na prayoridad pa rin ang kalusugan sa ganitong mga panahon.

“I don’t think I’ll be able to have any closure if we do not have an opportunity to finish this season,” wika ni James.

Una na ring naghayag ng kanyang pag-alma si James sa paglalaro sa playing venues na walang fans, maging sa posibilidad na magtipon sa isang siyudad ang mga NBA teams para makunpleto ang season sa pamamagitan ng isang sports quarantine.

Ngunit sa ngayon, pabor na ang 16-time All-Star sa anumang mga ideya na sisiguruhin ang kaligtasan ng mga kapwa niya players, at maging sinuman sa NBA.