Pinaiingat ang publiko matapos na madetect ang nakakalasong red tide o paralytic shellfish poison na lagpas sa regulatory limit sa mga baybayon sa parte ng Bohol, Samat at dalawang iba pang lugar.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang baybayin sa Dauis at Tagbilaran city sa Bohol, coastal area sa San Pedro Bay sa Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha mula sa naturang mga baybayin ay hindi ligtas kainin.
Subalit ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas kainin bast’t ang mag ito ay sariwa at nahugasang mabuti at natanggal ang internal organs gaya ng hasang at bituka bago lutuin.