-- Advertisements --
BetOnline
Photo from BetOnline

Ilang mga basketball fans ang nasorpresa sa lumabas na survey na mas nakakaraming mga estado raw sa Amerika ang kinampihan ang Toronto Raptors na magkampeon sa NBA Finals.

Batay sa tinaguriang BetOnline, ipinapakita raw na aabot sa 47 mga estado mula sa kabuuang 50 estado ang pinaburan ang Raptors.

Pinagbasehan ng kompaniyang BetOnline ang kanilang pag-aaral sa Twitter sa paramihan nang paggamit ng mga estado sa mga salitang hashtag na “#WeTheNorth” para sa Raptors at ang hashtag naman na “#DubNation” para sa Warriors.

Isa namang mapa ang inilabas ng BetOnline na nagsasabing “geotagged Twitter data” kung sino ang kinakampihan ng America sa 2019 NBA Finals.

Batay pa raw sa pag-analisa, mistulang nalagay na rin ang Warriors sa magagaling na American sports team na kung tutuusin ay mahal naman nila pero kinaasaran din.

Maaaring dahilan din daw dito ang pagkasawa na rin ng ilang mga fans sa mga binansagang repeat champions, na sana ay ibang mukha naman.

Sa kabila nito, kahit papaano may mga estado pa rin daw na gusto pa ring magkampeon sa ikatlong sunod na pagkakataon ang Warriors tulad ng estado ng California, Nevada at Hawaii.

Sa Biyernes ng alas-9:00 ng umaga sisimulan ng Warriors ang kanilang kampanya para sa ikaapat na titulo sa loob ng limang tao.