Tiniyak ni Russian President Vladimir Putin na handa ang kaniyang bansa na e-extradite ang mga cybercriminal ng Estados Unidos.
Ngunit, sinabi ng pangulo na gagawin lang niya ito kapag “gampanan ng US ang pantay na mga pangako. “
Kailangan din na e-extradite ng Amerika ang mga criminals ng Russian Federation.
Ginawa ni Putin ang nasabing pahayag bago ang summit nila ni US Pres. Joe Biden at Putin sa Geneva sa Hunyo 16.
Kung maalala, sinabi ni Biden noong Linggo sa isang press conference ng G7 na handa siya sa mga posibleng negosasyon, ngunit nakapagtaka umano na baguhin ng Russian president ang kaniyang ugali kung kaya’t kailangan pa rin ang pag-iingat.
Nauna nang sinabi ni State Department spokesperson Ned Price na kasama sa tatalakayin sa pagpupulong ng dalawang lider sa Geneva ang may kaugnayan sa issue ng ransomware attacks. (with reports from Bombo Jane Buna)