-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Negatibo na sa polymerase chain reaction o PCR-Test ang lahat ng mga naka-close contact ng 84-anyos na lalaking COVID-19 positive patient mula sa Brgy. Sudapin, Kidapawan City.

Ito ang ipinalabas na pahayag ng Provincial Inter-agency Task Force on COVID-19 sa lalawigan ng Cotabato.

Ayon sa ahensiya, kabilang sa mga kinunan ng test ay ang mga family members ng pasyente at hospital personnel ng isang pagamutan sa nabanggit na lungsod.

Dahil dito, kinumpirma IATF-Cotabato na wala pa ring local transmission sa lalawigan.

Sa kabila nito, muling nagpaalala ang ahensiya sa mga mamamayan na huwag magpakampante at sundin pa rin ang panuntunang pangkalusugan sa pag-iwas sa COVID-19.

Kaugnay nito, inirerekomenda na ng Kidapawan City Inter-agency Task Force na alisin na ang focus containment status sa barangay kung saan nakatira ang naturang pasyente.