BUTUAN CITY – Aakuin ng Butuan City Police Office o BCPO ang pasahe ng mag-live in partner na sina Gary de la Cruz at Lourdes Chuneri pauwi sa Guimaras matapos mapadaan dito sa Butuan City sa 3 buwang pagpapadyak mula sa Sta. Rosa, Laguna mahanap lang ang naglayas na anak na natagpuan sa Tagum City.
Kahapon matapos malaman ni BCPO Director PCol. Marco Archinue ang kalagayan sa dalawa sa pamamagitan ng Bombo Radyo ay kaagad itong nagsadya sa compound ng Bombo Broadcast Center upang sila ay ma-assess sa kanilang kinakailangan hanggang sa pinasundo na ito sa kanyang mga tauhan at dinala sa kanilang tanggapan upang mas malapit na lang ang kanilang lalakbayin patungong Post of Masao ng Butuan City para sa kanilang biyahe patungong Iloilo City.
Pinasalamatan ni Col. Arncihue ang Bombo Radyo dahil sa temporaryong pagkupkop sa dalawa kungsaaan natiyak ang kanilang kaligtasan at ilang kainan.
Napag-alamang habang binabaybay ng mag-live in partner ang major thoroughfare ng Butuan City ay napahinto sila dahil sa mga pabaon na ibinigay ng mga followers at listeners ng Bombo Radyo na nakasubaybay sa kanilang istorya.