TACLOBAN CITY – Patuloy na ginagamot sa ngayon sa hospital an isa sa mga preso na nakatakas sa Calbiga Lock Up Facility matapos itong mabaril ng mga pulis ng magtangka itong manlaban ng arestuhin sa Brgy. Minata, Calbiga, Samar.
Ayon PCOL Armel Dizon, provincial director ng Samar Poice Provincial Office ay suspek ay kinilala na si Roel Mabahin, 22 taong gulang at kinokonsidera na ikawalonga most wanted person sa probinsiya ng Samar.
Siya an nahaharap sa mga kasong grave coercion, grave threats,tatlong counts ng theft, serious illegal detention at carnapping.
Samantala naaresto naman nga mga otoridad ang kapatid nito na si Ronel Mabahin; 21 taong gulang; tinuturing na ikasiyam nga most wanted ng Calbiga, Samar na may kasong carnapping.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na magkasama daw ang magkapatid ng arestuhin, pero bumunot daw ng kalibre 45 baril si Roel at nagtangka itong paputukan ang mga operatiba pero naunahan siya ng mga pulis.
Nag angkin ito ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at dinala sa Samar Provincial Hospital
Narekober naman ng mga otoridad ang baril na ginamit ng suspek kasama na ang tatlong magazine na puno ng mga bala
Si Roel ay isa sa mga bilanggo na tumakas at nagnakaw ng baril at motorsiklo noong nakaraang Marso 11 sa Calbiga Municipal Police Station.
Kasama niyang tumakas sa kulungan ang isa pa niyang kapatid na si Rodel Mabahin, 19 anyos.
Hindi naman agad na nahuli ang mga Mabahin kahita pa nasa lugar lang nila ito dahil kinakanlong daw sila ng mga NPA.