-- Advertisements --

NAGA CITY- Pansamantala munang kinansela ng mga pro-democratic protesters ngayon sa Hong Kong ang mga nakatakdang kilos-protesta.

Ito’y may kaugnayan sa banta ng Novel Coronavirus sa naturang lugar.

Sa report ni Bombo International Correspondent Mean Pacho ng Hong Kong, sinabi nitong dahil sa takot na mahawa ng nasabing kumakalat na virus kung kaya kinansela muna ng mga raliyista ang kanilang mga protesta.

Ayon kay Pacho, hanggang sa hindi pa humuhupa ang banta ng nasabing sakit ay wala mulang scheduled rally ang mga ito.

Aniya, maikokonsiderang mas nakakatakot ang banta ng N-Cov kumapara sa mga kaguluhan sa gitna ng kilos protesta na halos nagsimula pa noong isang taon.

Kung maalala, kamakailan lamang ng itaas ng Hong Kong ang highest emergency response bilang isa sa mga lugar na kalapit ng China na unang nag-originate ang nasabing sakit.