-- Advertisements --

DAVAO CITY – Mismong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang nagkumpirma na hindi matutuloy ang kanyang medical leave sa Oktubre 5, 2021.

Ayon sa alkalde, isa umano sa kanyang mga kasamahan ang nagpositibo sa Covid-19 dahilan na pinagpaliban na lamang muna niya ang kanya pagbiyahe.

Nilinaw nito na hindi siya ang nagpositibo at hindi rin umano sila papasukin sa bansang Singapore dahil may kasamahan sila na infected ng virus.

Napag-alaman kay Mayor Inday na sumailalim sila sa RT-PCR test at lumabas sa resulta kaninang umaga na isa sa kanyang kasamahan ang nagpositibo sa covid-19.

Kung maalala, una ng sinabi ng opisyal na magsisimula sana bukas hanggang Oktubre 8, 2021 ang kanyang medical leave.

Hindi na rin nagbigay ng dagdag pa na impormasyon patungkol dito ang Mayor.