-- Advertisements --

Makakatulong para sa pagpapalakas ng defense modernization ng Pilipinas ang nakatakdang trilateral summit sa pagitan ng PH, Japan at US sa Washington ngayong linggo ayon kay PH Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.

Aniya, makakatulong ang nasabing kooperasyon sa pagsasamoderno hindi lamang sa armed forces at air force subalit maging sa PH Navy at PH Coast Guard.

Ang lahat ng ito ay parte aniya ng ginagawa ng bansa na pagdepensa sa ating sarili mula sa anumang agresyon mula sa ibang mga bansa.

Ipinaliwanag din ng envoy na ang gagawing trilateral summit ay hindi na bago at nakakapanghinayang aniya na itinuturing ito ng China na nakadirekta sa kanila.

Sa kabila nito, sinabi ni Ambassador Romualdez na hahanap ng paraan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maipagpatuloy ang dayalogo sa China at ang baseline na kailangang kilalanin ang katotohanan na pinoprotektahan lamang ang ating teritoryo.

Dagdag pa ni Amb. Romualdez na nilalayon ng Marcos admin ang isang multilateral approach para tugunan ang sitwasyon sa WPS.