-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa rin ang pagremedyo sa tagas ng langis mula sa barko ng PNP Maritime Group na tumagilid sa Iloilo River sa Muelle Loney, Iloilo City Proper.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Colonel Greg Togonon, chief ng Regional Maritime Command, sinabi nito na matagal nang naka-tengga ang barko sa Iloilo River.

Kaagad namang naglagay ng spill boom ang Philippine Coast Guard upang hindi na kumalat sa Iloilo River ang tumagas na langis.

Ilan sa mga residente ang nagreklamo sa amoy mula sa tumagas na langis.

Nababahala rin ang mga lokal na opisyal sa epekto ng oil spill sa kalikasan.

Tumulong na rin ang ibang grupo para mapatigil ang pagkalat ng oil spill.