-- Advertisements --

Target na i-convert ang mga nakatiwangwang na dam para sa irigasyon para maging water sources para sa utility firms at distrito pataasin ang suplay ng malinis na tubig sa bansa.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Carlos Primo David, isa ito sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para matugunan ang kakulangan ng potable water.

Kaugnay nito, sinimulan na aniya ang pag-convert sa mga dam sa Cavite na mayroong 22 nakatiwangwang na reservoir.

Ang mga dam na ito ay hindi na nagagamit matapos gawing residential communities na ang mga sakahan na dating pinapatubigan ng naturang mga dam.

Kungs aan nga sa west zone concession sa lalawigan ng Cavite, nasa 600,000 residente ang walang access sa suplay ng tubig o nagmumula sa piped sources.