-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Aabot sa 200 Locally Stranded Individual (LSIs) ang nakauwi sa probinsya ng Cotabato sa inisyatiba ni Cotabato Governor Nancy Catamco.

Sa pamamagitan ng Task Force Sagip Stranded North Cotabateños, tatlong sweeper flights ang nai-book nito para sa mga LSI na kasalukyang nasa kalakhang Manila at Visayas.

Dumating ang unang sweeper flight, lulan ang 157 LSIs sa Bangoy International Airport ng Davao City sakay ng Air Asia Airline at mahigit apatnaput (40) indibidwal naman ang lulan ng Cebu Pacific at Philippine airlines (PAL).

Naging Mission head sa TF Sagip team si mismong Emergency Operation Center (EOC) Manager BM Philbert Malaluan, MD, kasama si BM Krista Piñol Solis, na nabigyan ng VIP Pass sa Airport upang personal na sunduin ang ating mga kababayan mula sa loob ng airport.

Emosyonal naman ang mga LSIs na nakauwi na rin sa wakas – matapos ng mahigit dalawang buwan na ring naghintay makabyahe pauwi. Agad sinalubong nang pagkain pananghalian ang mga dumating binigyan ng instruction sa airport bago naisakay sa van upang makapagbyahe tungo sa Amas Capitol Compound.

Sasailalim sa Rapid Testing ang lahat ng LSI na dumating upang matiyak na ligtas ang mga ito sa impeksyon ng Covid. Susunduin sila ng LGU na syang mag monitor sa kanila habang sumasailalim sa 14-day Quarantine period.

Bago pa man nakalapag ang eroplano, nagpaabot ng menshae si Gov Catamco kasabay ng paghiling ng kanilang kooperasyon sa gagawing rapid testing at Qurantine.

Dalawangpu’t dalawang (22) van, ang naitalaga ng TF para sunduin ang mga LSI, kasama ang PNP, Philippine Army at Bureau of Fire Protection.

Naghayag ng kasiyahan sa Lt.Col Jefrey Carangdang ng 39TH IB, sa pagkilos ni Governor Catamco upang matulungan ang mga stranded “all out support po kami, sa efforts na ito,” ayon kay Carangdang. Ang kanyang pamunuan at 602nd Brigade ang nagtalaga ng mga truck para magkarga sa mga bagahe na dala ng LSI.

Nag abang naman ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa gagawinh deconta.ination process sa mga dumating.

Kasama sa sumalubong sa kanila ang Dumaki Band upang alayan sila ng mga kanta.