Dinaluhan ng ilang libong katao ang pagdiriwang ng taunang “Naked Festival” sa Japan.
Tinawag ito na “Hadaka Matsuri” na taunang ginaganap sa Honshu Island.
Hindi bababa sa 10,000 na karamihan ay kalalakihan ang sumali sa nasabing kasiyahan.
Nakasuot lamang ito ng mga maliliit na tela ng damit na tinawag na “fundoshi” at pares ng medyas na tinawag na “tabi” habang ang iba ay walang mga damit.
Isa itong pasasalamat sa biyaya ng masaganang ani, prosperity at fertility.
Bago magsimula tatakbo ang mga kasaling kalalakihan sa paligid ng templo at sila ay maliligo sa malamig na tubig bago magtungo sa main temple building.
Pagkatapos ng ilang oras ay itatapon ng pari ang 100 sanga at dalawang lucky 20-centimeter-long stick mula sa bintana.
Pag-aagawan ito ng mga lalaki at ang sinumang makakakuha ayon sa kanilang paniniwala ay susuwertihin sa buhay.