-- Advertisements --
Bumaba ang nakulektang excise tax ng bansa sa unang anim na buwan ng taong 2024.
Mula Enero hanggang Hunyo ay mayroong P139.64 bilyon ang nakulektang excise tax.
Mas mababa ito ng 3.31 percent sa P144.41 bilyon na nakulekta noong unang anim na buwan ng 2023.
Nangangahulugan din ito na mababa ng 36 percent sa collection goal na P219.43 bilyon para sa loob ng anim na buwan.
Naniniwala naman si Bureau of Internal Revenue (BIR) assistant commissioner Jethro Sabariaga na kaya pang mahabol ito kapag naisabatas na ang bagong tax measure gaya ng pagpataw ng excise tax sa single-use plastic.